ALAMIN: Bahagi ng EDSA isasara, biyahe ng MRT, LRT sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2018 11:16 PM | Updated as of Mar 21 2018 04:14 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na isasara ang ilang lane sa EDSA sa darating na Semana Santa. 

Ilang lane ng EDSA southbound ang isasara simula Marso 28, Holy Wednesday, hanggang Abril 2, Lunes para bigyang daan ang mga pagsasaayos sa mga kalsada.

Bukod dito, may iskedyul ding repair sa EDSA southbound lanes sa mga sumusunod na petsa:

• Abril 27 - 30
• Mayo 11 - 14
• Mayo 25 - 28
• Hunyo 1 - 4

Suspendido rin ang number coding scheme simula Marso 28 hanggang Abril 2, ayon sa MMDA.

MGA TREN

Inilabas din ng mga operator ang iskedyul ng mga linya ng tren sa Semana Santa.

Walang biyahe ang mga tren ng PNR mula Marso 29 hanggang Marso 30.

Sa Sabado de Gloria, Marso 31, pili lamang ang biyahe ng mga tren sa mga sumusunod na lugar:

- Tutuban-Calamba (Departure time: 6:37pm)
- Tutuban-Mamatid (Departure time: 7:07pm)
- Tutuban-Alabang (Departure time: 7:37pm)

Samantala, may nakatakdang temporary shutdown ang MRT-3 simula Marso 28 hanggang Abril 1, Pasko ng Pagkabuhay, para bigyang daan ang maintenance activities ng linya.

Wala ring biyahe ang LRT-1 at LRT-2 simula Marso 29, Huwebes Santo hanggang Abril 1.

 

Sa Abril 2, Lunes, magtutuloy ang normal na operasyon ng MRT, LRT-1, at LRT-2.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.