Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2018 07:48 AM

MANILA - Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Oval Sampaguita St., Maligaya Park, Caloocan.

Nakasampa pa ang katawan ni Ernesto Osorio, 60, sa kaniyang tricycle bago ito ibaba ng mga imbestigador sa kalsada.

Ayon sa anak nito, bumibiyahe si Osorio nang barilin ng di pa kilalang salarin. Dagdag niya, posibleng pasahero umano ng ama niya ang bumaril.

Pero ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakamotor ang suspek at nilapitan ang tricycle at tsaka pinagbabaril si Osorio. 

Inaalam pa ang motibo sa krimen, pero ayon sa pamilya ng biktima wala raw silang alam na kaalitan nito.

- Ulat nina Jekki Pascual at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.