Luzon quarantine: Tricycle drivers sa Makati makatatanggap ng P2,000 paunang ayuda

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2020 02:39 PM | Updated as of Mar 19 2020 10:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Makakatanggap ng P2,000 paunang cash assistance ang bawat isa sa halos 6,000 tricycle drivers sa Makati City, anunsiyo ng lokal na pamahalaan ngayong Miyerkoles. 

 

Kasunod ito ng pagpataw ng community quarantine sa buong Luzon, kung saan ipinahinto na muna ang lahat ng pampublikong sasakyan upang maiwasan ang paglabas ng mga tao sa gitna ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ayon sa official Facebook page ng lungsod, nasa 5,946 tsuper ang makikinabang sa financial assistance na inaprubahan ni Makati City Mayor Abby Binay. 

Para sa unang dalawang linggo ng isang-buwang enhanced community quarantine ang ayuda, dagdag ng City Hall. 

“Mayora Abby ordered the release of P2,000 initial financial assistance for the city’s 5,946 tricycle drivers. The amount covers the first two weeks of the community quarantine,” anila. 
 
Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ng Makati ang hiwalay na financial package para sa mga tsuper ng jeep. 

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, tigil-biyahe muna ang mga pampublikong sasakyan o mass transport hanggang, suspendido ang pasok sa eskuwela at trabaho maliban sa ilang sector, ipinagbabawal ang mga pagtitipon, at dapat manatili muna sa bahay ang publiko upang hindi na kumalat pa ang COVID-19. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.