2 arestado sa pagbebenta ng seahorse sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2019 06:01 PM | Updated as of Mar 18 2019 07:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Lunes ang 2 tao dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga seahorse sa Maynila.

Sinalakay ng pinagsamang puwersa ng NBI at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang isang establisimyento sa Binondo district na nagbebenta umano ng mga seahorse.

Sa halagang P2,800 kada piraso ibinebenta ang mga seahorse, ayon sa NBI.

Nakumpiska rin ang mga panindang bird's nest, na mula sa Tallo bird sa Palawan, na ibinebenta ng P70,000 kada pakete.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Philippine Fisheries Code at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Inaresto rin ng NBI kamakailan ang isang babae sa Binondo dahil sa pagbebenta ng golden chicken fern, isang uri ng halaman na endangered o nanganganib nang maubos.

-- Ulat nina Niko Baua at Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.