3 bata sugatan sa pagsabog ng granada sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 04:50 PM

TIPO-TIPO, Basilan - Sugatan ang 3 bata matapos sumabog ang isang granadang napulot nila sa Barangay Baguindan sa bayan na ito, Sabado. 

Kasama ng magkakapatid na edad 3, 5 at 6 ang kanilang ina nang mahanap nila ang bala ng M203 grenade launcher sa isang bukid. 

Isinabit ng ina ang granada sa puno ng saging, pero nakuha ito ng mga paslit at pinaglaruan hanggang sumabog. 

Nagtamo ng malalang sugat sa leeg at katawan ang pinakamatanda sa magkakapatid habang nagkaroon ng minor injuries ang 2 pa niyang kapatid. 

Inoobserbahan pa sila sa Infante Hospital sa Isabela City, ayon sa mga doktor. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.