Magkapatid na 3, 1 anyos, naabo sa sunog sa Lapu-Lapu City

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2018 11:54 AM | Updated as of Mar 17 2018 04:35 PM

LAPU-LAPU CITY – Mga buto na lamang ng dalawang magkapatid ang nahukay ng kanilang mga magulang mula sa naabo nilang bahay sa Barangay Pajo dito.

Naunang naiulat na nawawala ang magkapatid na 3 at 1 anyos nang sumiklab ang apoy Biyernes ng gabi.

Patay ang magkapatid na bata sa sunog na sumiklab sa Barangay Pajo sa Lapu-Lapu City, Cebu gabi ng Marso 16, 2018. Higit sa 40 pamilya rin ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at kasalukuyang nasa gym ng barangay. Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Ayon sa kanilang ina, naiwang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang magkapatid.

Hindi nila namalayan na nagising ang mga bata at naglaro ng posporo na naging dahilan ng sunog.

Sinubukan niyang sagipin ang mga anak pero nabigo siya dahil agad na lumaki ang sunog.

Samantala, siksikan ngayon sa gym ng Barangay Pajo ang higit sa 40 pamilyang nasunugan.

Humihingi sila ng tulong gaya ng pagkain, damit at higaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.