Pulis tinambangan ng riding-in-tandem sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2020 03:48 PM

MAYNILA — Isang aktibong pulis ang tinambangan ng riding-in-tandem sa Laguna, ayon sa ulat ng Calamba Police Station. 

Sa report ng Calamba City police station kay Laguna Provincial Police Director Col. Serafin Petalio. 

Batay sa ulat, minamaneho ng biktimang si Police Capt. Christopher Geronimo ang kaniyang kotse nang pagbabarilin siya sa Barangay Canlubang sa Calamba City. 

Nanggaling sa Camp Vicente Lim sa Laguna ang biktima. 

Dinala sa Global Medical sa Cabuyao ang biktima pero hindi pa alam kung ano ang lagay nito.

Isang driver din ng trak ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala. 


—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.