5 miyembro ng 'rent-sangla' scam, arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 05:38 AM | Updated as of Nov 28 2018 07:08 PM

Inaresto ng Manila Police District ang 5 babae na umano'y miyembro ng "rent-sangla" scam.

Ayon kay PO2 Sonny Boy Ligsay ng District Police Intelligence and Operation Unit ng MPD, ineengganyo umano ng mga suspek na mamuhunan ang kanilang mga parokyano sa housing units na ginawang paupahan sa Taguig.

Mababalik ang puhunan ng mga kliyente kapag nagbayad ng paupahan ang mga tenant.

Ngunit lumalabas na nakasangla pa rin pala sa iba ang sinanglang housing units sa mga parokyano.

Kuwento ng isang biktima, namuhunan siya noong Hunyo 2017 ng P150,000 sa isang bahay at pinangakuan na magkakaroon ng P10,000 kada buwan.

Ngunit wala siyang natanggap maliban sa P10,000 noong Disyembre, giit ng biktima.

Depensa naman ng mga suspek, nagagastos umano nila ang perang pinuhunan sa mga bahay.

Sasampahan ang mga nahuli ng kasong large-scale estafa at robbery-extortion. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.