357 lumikas sa Agusan dahil sa bakbakan ng NPA at militar

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2017 04:23 PM | Updated as of Mar 16 2017 04:45 PM

Napwersang lumikas ang 357 na residente ng Brgy. Inambangan, sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte dahil sa bakbakan ng militar at New People's Army (NPA).

Sa ulat ng Philippine Army, nagsasagawa ng bayanihan activities ang kanilang tropa sa lugar ng bigla silang paputukan sila ng mga rebelde.

Sampung beses umanong umatake ang mga NPA kung saan pinwersa pa daw ng mga rebelde ang lokal na paaralan na kanselahin ang klase at pinaputukan pa ang mga bahay ng sibilyan. 

Dahil sa pangamba na madamay sa palitan ng putok, 89 pamilya ang lumikas at kasalukuyang naninirahan sa isang evacuation center.
 
Binatikos ng militar ang insidente at sinabing muling nilabag ng NPA ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. 

Noong Marso 12, inanunsyo ng mga negosyador ng gobyerno at National Democratic Front na itutuloy nila ang usaping pangkapayapaan at muling magdedeklara ng tigil-putukan bago mag Abril. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.