Lalaking kakalabas lang ng bilangguan, patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2020 06:40 AM

Patay ang isang lalaking kakalabas lang ng bilangguan matapos pagbabarilin sa Barangay San Isidro, Jaro , Iloilo, Biyernes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang kakalabas lang ng bilangguan ng biktimang si Eljune Ledesma dahil sa plea bargaining agreement sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Police Senior Master Junben Damaolao, mabilis na nakatakas ang mga salarin sakay ang motorsiklo.

Ayon kay Felix Dureza, punong barangay ng San Isidro, naabutan nilang duguan si Ledesma habang nasa tricycle.

Nagtamo rin ng sugat sa binti ang biktimang si Prince Jonard Macahilo, 20, na nasa pinangyarihan ng krimen.

Nakarekober rito ang 10 basyo ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril at isang metal fragment malapit sa tricycle.-Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.