2, tiklo sa pagtatanim ng umano ng marijuana

Kevin Joseph Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2019 04:09 PM

Nadiskubre ang mga tanim na marijuana sa isang farm dahil sa reklamong natanggap ng pulisya. Larawan mula sa Lucena City Police

LUCENA CITY - Arestado ang dalawang lalaki matapos mabistong nagtatanim at nag-aalaga ng hinihinalang halamang marijuana, Huwebes ng umaga.

Nakatanggap ng reklamo ang Lucena Police bago mag alas-9 ng umaga na may dalawang lalaking nagcu-cultivate ng marijuana sa isang farm sa Barangay Gulang-gulang. 

Agad naman itong pinuntahan ng awtoridad at nakumpirma nga ang sumbong. 

Ayon sa pulisya, 12-piraso ng marijuana plant ang nakumpiska sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.