1 sundalo, 20 umanong BIFF patay sa sagupaan sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 03:44 PM

MAYNILA- Patay ang isang sundalo at 20 umanong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sagupaan ng grupo at militar sa probinsya ng Maguindanao noong Lunes.

Pasado alas-10 ng umaga nang mamatay ang sundalo matapos ang sagupaan laban sa ilang miyembro ng BIFF sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Bukod sa BIFF, tinutugis din ng mga awtoridad ang Daesh-inspired na grupo ng isang "Abu Turayfie" na kaanib umano ng BIFF.

Nitong Martes, patuloy pa rin ang pagtugis ng mga sundalo sa mga lokal na terorista sa Maguindanao.

-ulat ni Lora Mae Andong, ABS-CBN News
 
 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.