Menor de edad huli sa umano'y pagnanakaw ng motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 01:32 PM | Updated as of Mar 12 2018 10:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Huli ang isang menor de edad na isinasangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa labas ng isang kainan sa Pasay City, Linggo ng madaling araw.

Natunton ng pulisya ang suspek na si alyas "Rodman," 17, sa pamamagitan ng kuha ng CCTV sa lugar. Partikular na hinanap ng mga awtoridad ang trike na iniwan ng salarin pagtangay sa motor.

Si alyas "Rodman" ang tinuturong nagmamaneho ng tricycle na naghatid sa salarin pabalik sa crime scene matapos nitong nakawin ang motorsiklo para kunin ang unang naiwang trike.

Ito ang motor na ninakaw umano ng isang menor de edad na lalaki at binawi ng biktimang si "Danny" sa Pasay City. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Nabawi naman ng biktimang si alyas "Danny" ang kanyang motorsiklo na naibenta na pala ng mga salarin sa isang kustomer sa murang halaga ng P5,000.

Depensa naman ni "Rodman", nadamay lang siya at ang tunay na may pakana ng lahat ay ang kasamahan niyang si alyas "Boy-Boy" na isa rin aniyang menor de edad.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang suspek na mabilis nakatakas matapos ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.