Abandonadong warehouse sa Pasig, nasunog

Alex Calda, DZMM

Posted at Mar 11 2017 10:22 AM

Nasunog ang isang abandonadong warehouse sa C. Raymundo Avenue sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Hindi pa rin malaman ng mga otoridad kung bakit nasunog ang warehouse ng Super Globe Inc., gayung wala umanong tao at kagamitan doon.

Napagalaman na 7 taon nang nakasarado ang naturang warehouse.

Nagsimula ang sunog pasado alas-6 ng umaga at umabot sa ikalawang alarma bago maapula.