P1.5-M halaga ng 'shabu,' nasamsam sa Zamboanga City

Noning Antonio, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 11:05 PM

ZAMBOANGA CITY - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa isang ginang sa Zamboanga City, Martes ng hapon.

Ayon sa hepe ng Police Station 11 na si Police Major Elmer Solon, matagal na nilang binabantayan ang galaw ng suspek.

Ayon pa sa pulisya, nakipagtransaksyon umano ang suspek sa kanilang poseur buyer sa Barangay Talon-talon. Dalawang malaking pakete at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek.

Depensa naman ng suspek, ipinaabot lang sa kaniya ng isang kakilala ang mga droga sa katransaksyon nito na poseur buyer pala ng pulisya.

Tinutugis na ng awtoridad ang sinasabing kasamahan ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.