Drug suspect patay matapos 'manlaban' sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2019 10:16 AM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos umano itong manlaban sa isang buy-bust operation sa Lucena City sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa pulisya, nagkasa sila ng operasyon sa Purok Bagong Pag-asa sa Brgy. Cotta laban kay John John Pureza, na nagtutulak umano ng droga sa lugar.

Nakipagkita ang nagpanggap na buyer sa suspek para bumili ng droga. Pero pagkatapos ng transaksiyon, nakaramdam umano ang suspek na pulis na ang kausap, at nagpaputok ito ng baril.

Gumanti ng putok ang pulis at napatay ang suspek.

Hindi naman natamaan ang pulis.

- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.