4 sugatan sa aksidente ng tricycle sa Davao City

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 04:24 PM | Updated as of Nov 13 2018 01:37 PM

Sakay ng tricycle na ito ang mga biktima nang mahulog sa malalim na bahagi ng slope protection ng kalsada sa Buhangin District sa Davao City, Marso 10, 2018. Paul Palacio, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Apat ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang tricycle sa isang malalim na slope protection ng kalsada sa Buhangin District dito, umaga ng Sabado.

Nagtulong-tulong ang mga residente sa pag-rescue sa mga biktima na duguan at iniinda ang sakit ng katawan dahil sa impact ng aksidente sa Juliville Subdivision.

Kasama sa sugatan ang driver at tatlong trabahador na papunta sana sa kanilang trabaho.
 
Ayon sa isang pasahero na si Ceferino Mandos, hindi nakontrol ng driver ang biglang pagliko ng tricycle at posibleng hindi kumagat ang preno nito kaya nahulog.

Agad rumesponde ang emergency personnel ng hotline 911 at nilapatan ng first aid ang mga biktima bago dinala sa ospital.

Muling pinaalalahanan ng awtoridad ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho dahil ito na ang pangatlong beses na may nahulog na sasakyan sa naturang slope protection ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.