Libro tungkol sa restorasyon ng Manila Cathedral, inilunsad

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2019 11:57 AM

MAYNILA - Masisilip na ng publiko kung ano ang pinagdaanan ng Manila Cathedral nang sumailalim ito sa restoration sa pamamagitan ng inilunsad na libro, Sabado ng umaga.

Inilunsad ang librong "Manila Cathedral: Restoring a Monument to Faith, Architecture, and History" 5 taong nang matapos ang restorasyon ng simbahan noong 2014.

Ayon kay Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, testamento ng pananampalataya at walang hanggang pag-asa ang restoration ng Manila Cathedral.

Aniya, higit sa gusali, mga buhay ang muling binuo at bubuuin ng simbahan.

Bukod kay Tagle, kasamang dumalo rin sa okasyon si Papal Nuncio to the Philippines Gabriele Caccia.

Sabi naman ni Gerard Lico, executive editor ng libro, isa itong architectural project na naglalaman ng mga litrato at pahayag ng historians, architects at iba pang nasa likod ng restoration.

Mabibili ang libro sa Manila Cathedral sa halagang P2,000 ngayong launch, at P2,500 naman ang regular price nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.