Gumagawa at nagbebenta ng child porn videos, arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 08:37 PM | Updated as of Jan 08 2020 05:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa paggawa at pagtitinda ng mga malalaswang video ng mga bata sa Barangay Anilao, Malolos, Bulacan.
    
Nahuli ng NBI Anti-Human Trafficking Division at PNP Women and Children Protection Center ang suspek na si Anselmo Ico Jr. na nakikipagtransaksiyon sa pagbebenta ng sex videos sa internet. 
    
Nabawi sa suspek ang isang laptop na ginagamit niya umano sa pagkuha ng video ng mga batang minomolestiya.
    
Ang ilang biktima, siya pa raw mismo ang nangmolestiya.

Nagsimula ang imbestigasyon nang mag-report ang Norwegian Police at ang Homeland Security ng Amerika na nakikipagtransaksiyon sa internet ang suspek para mag-alok ng mga video at ng mga bata. 
    
Inamin ng suspek na noong 2012 pa niya ito ginagawa pero noong 2016 na siya na-monitor at pinaghahanap ng mga awtoridad.
    
Ilang lugar raw kasi ang pinagtaguan nito.

Base sa mga nabawing video, 15 biktima ang kaniyang nakuhanan. 
    
Nasagip naman ang limang menor de edad na nasa 2 hanggang 16 anyos. 
    
Kumikita ang suspek ng P500 kada video.
    
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga kasabwat ni Ico.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso ng human trafficking, child abuse, at child pornography. 
    
--Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.