Granada natagpuan sa hacienda sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2019 06:21 PM

Isang granada na nasa loob ng kahon ang natagpuan sa isang hacienda sa bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental. Larawan mula sa Moises Padilla Police

MOISES PADILLA, Negros Occidental - Isang granada ang natagpuan sa isang hacienda sa Barangay Crossing Magallon sa bayan ng Moises Padilla Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, dalawang sakada ang nakakita sa Mk 2 hand grenade sa Hacienda Bag-o San Remigio.

Nasa loob ng kahon ng cellphone ang granada. Nakita naman ang kahon malapit sa poste ng kuryente.

Agad na kinuha ng pulisya ang granada sa lugar at inendorso sa Explosives and Ordnance Division ng Police Regional Office 6.

Inaalam pa ng pulisya kung saan nanggaling ang granada. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.