Tricycle driver kalaboso sa droga sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 08:36 AM

Inaresto ang isang tricycle driver matapos mabilhan ng droga sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa mismong bahay nito sa Reyes Street, Barangay 119, Zone 14, Pasay City nitong Huwebes ng tanghali.

Ayon kay Police Staff Sgt. Billy John Velasquez, kasama sa kanilang drugs watchlist ang suspek na si alyas Tomas, 34, na nakuhanan ng 16.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P110,000. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.