Malaking tindahan nasunog sa Zamboanga City

Leizel Lacastesantos , ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2020 11:59 PM | Updated as of Mar 06 2020 07:50 PM

ZAMBOANGA CITY (UPDATE) - Isang malaking tindahan ang natupok ng apoy sa Veteran's Avenue, Zamboanga City Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakatanggap sila ng fire call alas-8:30.

Agad na rumesponde ang higit sa 10 fire trucks at water tankers. Umabot sa general alarm ang sunog.

Ayon kay District Fire Marshal Fire Chief Inspector Jacqueline Ortega, nagsimula ang sunog sa isang transformer hanggang sa kumalat ito sa mismong gusali ng Budgetwise Store.

Nagbebenta ang tindahan ng mga grocery items at iba't ibang uri ng appliances.

Alas-10:50 nang ideklara ng BFP na kontrolado na nila ang sunog.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog bago tuluyang naapula dakong 11:57 ng gabi.

Ayon sa BFP, walang naiulat na nasugatan sa insidente. Nakasarado na ang supermarket nang sumiklab ang apoy.

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaalam pa ang posibleng pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito.

Ipinaliwanag ni Ortega na compliant naman ang Budgetwise sa Fire Safety Code.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga bombero ang halaga ng mga kagamitan at gusali na natupok ng apoy.

Hindi nagpaunlak ng pahayag si Edwin To, ang chairman at CEO ng Budgetwise.-May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.