Tsuper, binaril ng pasahero sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2019 05:13 AM | Updated as of Mar 05 2019 06:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin ng kaniyang pasahero sa Barangay Acacia, Malabon Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gerardo De Villa, 51 anyos.

Ayon kay Police Col. Jessie Tamayao ng Malabon police, sumakay sa jeep ang 3 lalaki pasado alas-8 ng gabi. 

Pagsapit sa kanto ng Governor Pascual St. at Ibarra St., pinagbabaril ng gunman si De Villa.

Tinamaan ang biktima sa likod ng ulo kaya agad namatay. Tumanggi naman ang mga kaanak ni De Villa na magbigay ng pahayag.

Personal na alitan ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril. May tinitingnan nang person of interest ang mga pulis sa insidente. - Ulat nina Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.