3 tricycle inararo ng SUV; drayber umaming nakaidlip sa pagmamaneho

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2020 10:56 PM | Updated as of Mar 04 2020 11:10 PM

Nagkalasog-lasog ang tatlong tricycle na nakaparada sa sidewalk matapos araruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Barangay Bata, Bacolod City nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Eduardo Cepeda, isa sa may-ari ng nasirang tricycle, tumatambay siya sa katabing bilyaran nang marinig ang malakas na kalabog.

Sa kanyang paglabas ng bilyaran, tumambad ang sirang sidecar ng kanyang tricycle na humiwalay sa motorsiklong nasa ilalim ng SUV .

Sa lakas ng pagkabangga ng SUV ay naputol din ang nabangga nitong poste.

Inamin naman ng 53 anyos na drayber ng SUV na nakaidlip ito habang nagmamaneho sa daan.

Galing siya ng mall at pauwi na sana ng mangyari ang insidente.

Walang naman nasugatan sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.