P14 milyon halaga ng droga nasamsam sa condo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2019 01:46 PM | Updated as of Mar 04 2019 06:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinatayang nasa P14 milyong halaga ng droga ang nasamsam ngayong Lunes sa buy-bust operation sa isang condominium sa Quezon City, na nauwi sa pagkakaaresto sa isang babae.

Sangkot ang naarestong babae sa bentahan ng ilegal na droga at pangunahing parokyano niya ang mga mahilig lumabas sa mga bar sa Metro Manila, ani Police Major General Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office. 

Isang buwang minanmanan ng mga awtoridad ang babae bago ikasa ang buy-bust operation, na nangyari sa isang condominium sa Barangay Loyola Heights, ani Eleazar.

Nakuha sa babae ang 3,500 piraso ng ecstacy tablets na may halagang P5.25 milyon; 2.5 kilo ng kush o high grade marijuana na nagkakahalagang P3.75 milyon; at 25 litro ng liquid ecstasy na may halagang P5 milyon.

Kakasuhan ang babae ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. --Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.