Daan-daang nurse, health workers nagtipon para igiit ang taas-sahod

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2019 06:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagtipon-tipon ang mga nurse at healthcare practitioners para isulong ang tamang pasahod at working conditions sa kanilang propesyon. 

Daan-daang mga nurse, midwives, medical technologists, pharmacists, x-ray technicians, at laboratory technicians ang nagsama-sama sa Malolos, Bulacan nitong Linggo upang maglabas ng hinaing sa sitwasyon ng kanilang industriya. 

Anila, dapat daw itaas sa P30,000 ang sahod ng entry-level na nurse mula sa kasalukuyang P20,000.

"Ang health workers ay mahalaga sa lipunan kaya dapat naman alagaan natin ang kapakanan nila," sabi ni Leah Paquiz, founder ng ANG NARS party-list.

Bukod sa sahod, gusto ring mapabuti ng healthcare practitioners ang working conditions nila sa ospital at iba pang pasilidad.

"Doctors treat the patients but we heal the patients, so kailangan namin iyan para mas maayos ang aming pagtatrabaho," ani Telly Mariano, presidente ng National League of Philippine Government Nurses. 

Anila, hangga't maaari ay ayaw nilang mag-abroad dahil sa kagustuhang makapagsilbi sa bayan.

Pero kung hindi naman maayos ang kalagayan nila dito sa bansa, mapipilitan din daw silang lisanin ang Pilipinas. —Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.