Mahigit 20 bahay, natupok sa sunog sa Iloilo City

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2020 09:45 PM

ILOILO CITY - Mahigit 20 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay General Hughes‑Montes sa Iloilo City Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay matapos mag-spark ang linya ng kuryente.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Naging pahirapan din ang pagpasok ng mga bombero dahil sa makitid na mga daanan.

Coastal area ang pinangyarihan ng sunog at nakatungtong ang mga bahay sa kawayan na ginawang haligi.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP, umabot sa kalahating milyon ang damage ng sunog sa mga bahay at ari-arian.

Hindi bababa sa 30 na pamilya ang apektado.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City na magbibigay ng tulong sa mga apektado para sa kanilang muling pagbangon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.