VIRAL: Sagian ng luxury car at jeep sa Dagupan

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 02:53 PM

Makikita ang pinsala sa pampasaherong jeep at sa nakabukas na pintuan ng kotse noong Huwebes ng hapon. Larawan mula kay Wilfredo Tan Crisologo

Viral ngayon sa social media ang umano'y sagian ng jeep at isang nakaparadang luxury car sa Dagupan, Pangasinan.

Sa mga retratong pinost ni Wilfredo Tan Crisologo sa kaniyang Facebook account, makikita ang pinsala sa pampasaherong jeep at sa nakabukas na pintuan ng kotse noong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Crisologo, napadaan siya sa kalsada nang madatnan ang insidente. Ikinalungkot daw ni Crisologo ang kaniyang nakita. 

"Sakit na nga ng ulo ko sa passport at di ako natanggap, nakita ko pa 'to," aniya. 

Hindi malinaw kung paano nangyari ang sagian ng dalawang sasakyan. 

Sinabi naman ni Crisologo sa ABS-CBN News na ipinagbabawal pumarada sa naturang kalsada ang mga kotse. 

-- Ulat nina Angela Coloma at James Amante, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.