TINGNAN: Damo sa tuktok ng Mt. Apo nabalot ng frost

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2019 02:38 PM

Nag-frost ang mga damo sa tuktok ng Mt. Apo dahil sa sobrang lamig. Larawan mula sa Region 12 Patrollers, Parks Protection Officers


Binalot ng hamog na nagyelo ang mga damo sa tuktok ng Mt. Apo, Biyernes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Region XI Mt. Apo Protected Area superintendent Frank Buenaflor.

Ayon kay Buenaflor, nag-frost ang damo dahil sa sobrang lamig.

Pero nilinaw naman niya na normal ito at tuwing umaga lang nangyayari.

Bukod sa mga damo, wala namang naitalang pinsala sa mga gulay at bulaklak na nakatanim sa bundok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.