P2.7-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2019 04:07 AM

ZAMBOANGA CITY - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa siyudad na ito Biyernes ng madaling-araw.

Naaresto rin ang isang mag-asawa na siyang target ng operasyon. Narekober sa kanilang bahay sa Barangay Talon-Talon ang nasa 400 gramo ng umano'y shabu at mga drug paraphernalia.

Hindi pumayag ang mag-asawa na magbigay ng panayam. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.