ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila, Marso 1-4

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2019 03:03 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Marso 1. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Marso 4, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:

• C-5 Road pagkatapos ng Lanuza Ave. bago mag-Bagong Ilog flyover
• C-5 Road, kaharap ng SM Aura
• EDSA Lagarian Creek – Ermin Garcia (ikalawang lane mula sa bangketa) 

NORTHBOUND:
• R. Magsaysay Blvd. (papuntang Cubao) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.