Truck na may sakay na mga pulis, nahulog sa bangin sa Iloilo; 4 patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 05:50 PM | Updated as of Feb 29 2020 06:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv


ALIMODIAN, ILOILO— Patay ang apat na pulis habang 31 iba pa ang sugatan nang mahulog sa bangin sa bayang ito ang sinasakyan nilang truck ngayong Sabado. 

Ayon sa Police Regional Office 7, bumabaybay ang truck na pawang naglalaman ng mga miyembro ng 601st Regional Mobile Force Battalion pabalik ng kanilang kampo nang mahulog ang gulong ng truck. 

Tatlong beses pang bumaligtad ang truck bago ito tuluyang bumagsak sa ilalim ng bangin. 

Ilang oras ang inabot bago makuha ang lahat ng biktima mula sa accident site. Dead on arrival ang apat sa mga pulis. 

Dinala naman sa iba't ibang ospital ang iba pang mga biktima at kasalukuyang binabantayan ang kanilang kalagayan. 

—Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.