Grade 6 student na 'dinukot, hinalay' nasagip sa Baguio City; suspek arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 07:26 PM

BAGUIO CITY — Arestado ang isang tindero matapos umanong mandukot at manghalay ng isang grade 6 pupil sa lungsod na ito.

Huwebes ng hapon nakuhanan pa sa CCTV malapit sa palengke sa siyudad ang bata na sinusundan at ilang beses kinakalabit ng suspek.

Isang tindero rin sa palengke ang nakakilala sa suspek at itinuro kung saan siya nakatira.

Kinabukasan, na-rescue ang bata sa inuupahang bahay ng suspek sa Asin Road, Baguio City. Hinihinalang hinalay din ang biktima.

Isinugod naman sa ospital ang suspek matapos umano makaranas ng appendicitis. 

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. 


— Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.