Tricycle driver patay sa pamamaril sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 05:48 AM

SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN - Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay Gumaoc West, Gayagaya nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Willie Mendanio na pinatay dahil umano sa awayan.

Binabalikan na ang dinaanan ng mga gunmen sa pamamagitan ng CCTV at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya laban sa kanila.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.