Kotse nahulog sa dagat ng Ozamiz City, mag-asawa nalunod

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 12:43 PM

OZAMIZ CITY – Nalunod ang isang mag-asawa matapos na mabigong makalabas mula sa kanilang sasakyang nahulog sa dagat sa Barangay Baybay Triunfo, Huwebes ng gabi.

Biyernes ng umaga nang matuklasan ng mga residente ang nahulog na sasakyan kung saan nasa loob pa nito ang mag-asawang nakilalang sina Ferdinand at Teresita Jalasan.

Ayon sa pulisya, may mga palatandaan na sinubukan ng mag-asawa na lumabas ng kotse.

Kahahatid lang umano ng mag-asawa sa mga bisita na dumalo sa kanilang party. 

Dagdag ng pulisya na nakainom si Ferdinand na siyang nagmaneho ng sasakyan.

Umuulan at wala ring ilaw sa bahagi ng kalsada kaya posibleng hindi nito nakita ang daan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.