2 umanong drug pusher patay matapos 'manlaban' sa QC; P2-M halaga ng droga nasabat

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 07:24 PM

Kuha ng NCRPO-PIO

MAYNILA - Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang patay matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes. 

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na "Willy" at "Mark."

Ayon sa QCPD-Station 4, sa tapat ng isang mall nakipagtransaksyon ang poseur buyer nila sa mga suspek.

Nang makatunog na pulis ang kanilang kausap, nagpaputok ng baril umano ang mga suspek kaya't gumanti na rin ng putok ang mga awtoridad.

Aabot sa P2 milyong halaga na hinihinalang shabu ang narekober mula sa mga suspek.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.