PNP, PDEA tututukan ang online bentahan ng ecstasy

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 03:44 PM

Nangako nitong Huwebes ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Philippine National Police (PNP) na mas paiigtingin pa nila ang pagtugis at pagpuksa sa mga nagbebenta ng drogang ecstasy, na umaarangkada umano online. 

Bukod daw kasi sa shabu at marijuana, uso rin daw lalo sa mga may kaya ang party drugs na ecstasy. 

Ayon sa PDEA, kalimitang nalululong sa ecstasy ay mga kabataan. Online din daw kadalasan ang transaksiyon.

"Most of them (transactions) are being done online. Together with that, they will invite would-be users for such events as what they call 'PNP.' Hindi Philippine National Police ah, kung hindi 'party and play.' And also 'chem-rom' or chemical romance," paliwanag ni PDEA spokesperson Derrick Carreon.

Noong 2018, umabot sa 16,700 ang mga insidenteng inaksiyunan ng mga awtoridad na may kinalaman sa ecstasy. 

Madalas ay sa mga matataong lugar tulad ng mga music festival nagiging talamak ang bentahan nito.


—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.