ALAMIN: Taas-presyo sa LPG simula Marso 1

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 06:30 PM

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Biyernes, Marso 1.

Ayon sa Petron, P2.90 ang ipatutupad nilang taas-presyo sa kada kilogramo ng LPG simula hatinggabi, habang P1.65 naman sa kada litro ng auto LPG.

Magpapatupad naman ang Solane ng P2.60 taas-presyo sa kada kilogramo ng LPG simula alas-6 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.