ALAMIN: Galaw ng presyo ng bilihin sa Muñoz market

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 01:49 PM

Bumaba ang presyo ng ilang gulay at bigas sa Muñoz market nitong Huwebes.

Presyo ng gulay sa Muñoz market
• Patatas → P70/kilo (dating P80/kilo) 
• Cauliflower → P120/kilo (dating P100/kilo)
• Ampalaya → P80/kilo (dating P90/kilo) 
• Kamatis → P50/kilo (dating P60/kilo) 
• Bell Pepper → P150/kilo (dating P200/kilo) 

Tumaas naman ang presyo ng sayote, na P60 ngayon mula sa P50. 

Tumaas din ang presyo ng galunggong na P90 kada kilo ngayon mula sa P70 kada kilo. 

Samantala, bagsak-presyo ang kada kaban ng Thailand rice na P1,750 ngayon mula P2,200. 

Bumaba rin ang presyo ng kada kilo ng naturang bigas na P41 kada kilo na ngayon mula sa P47 kada kilo dati.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.