#WalangTubig: Ilang barangay sa QC, Valenzuela sa Marso 4-7

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 03:00 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City at Valenzuela simula Marso 4 hanggang Marso 7 dahil sa pansamantalang pagpapasara sa dalawang pumping stations ng Maynilad, sabi ngayong Miyerkoles ng water concessionaire.

Pansamantalang isasara ng Maynilad ang North C Pumping Station at Commonwealth Pumping Station sa Quezon City para bigyang daan ang maintenance activities sa mga naturang pasilidad, ayon sa anunsiyo ng Maynilad.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang mga sumusunod:

QUEZON CITY
Mula alas-10 ng gabi (Marso 4) hanggang alas-4 ng madaling araw (Marso 6)
- Bagbag
- Bagong Silangan
- Greater Fairview
- Gulod
- Holy Spirit
- Nagkaisang Nayon
- North Fairview
- San Bartolome
- Santa Lucia
- Santa Monica
- Sauyo
- Talipapa

Mula alas-10 ng gabi (Marso 4) hanggang alas-10 ng gabi (Marso 7)
- Batasan Hills
- Commonwealth
- Payatas

VALENZUELA CITY
Mula alas-10 ng gabi (Marso 4) hanggang alas-4 ng madaling araw (Marso 6)
- Ugong (Hobart Phase 1 and 2, at Doña Marciana Subdivision)


Inabisuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang kostumer na mag-ipon na ng tubig.

Mayroon din daw inihandang 40 water tankers ang Maynilad para sa mga apektadong lugar sakaling kailanganin.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.