Madalas na 'paghugot', senyales ng depresyon?

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 04:26 PM | Updated as of Feb 27 2018 05:00 PM

Madalas mang nakakatawa at hindi sineseryoso, ang pagkakabit ng mga "hugot" sa karaniwang mga bagay ay maaaring senyales ng tinatagong mental illness gaya ng depresyon, ayon sa isang doktor. 

"Example: 'Buti pa ang traffic, may forever.' A person can tweet that or post that with [a] subliminal message that he or she is not getting the support that he or she needs," ayon kay Dr. Gia Sison, chief medical officer ng Global Telehealth. 

Ani Sison, maaaring "patagong" paghingi ng tulong ang mga pag-hugot ng isang tao. 

Kuwento ng doktor, may alam siyang isang kaso ng suicide kung saan ang depresyon ng tao ay itinatago pala sa mga hugot line. 

"There's a case of actual depression hidden through a hugot line that led to suicide," ani Sison. 

Si Sison ang chief medical officer ng Global Telehealth, isang joint venture sa pagitan ng Globe Telecom at Salud Interactiva. 

Ang kumpanya ang nagpapatakbo sa KonsultaMD, isang 24/7 health hotline service kung saan ang mga pasyente ay maaaring tumawag sa kanila upang magtanong tungkol sa isyung pangkalusugan. 

Ayon kay Sison, na umaming dumanas din ng depresyon, mahalagang talakayin ang usapin ng mental health sa bansa. 

"My motto is it should be socially acceptable to discuss who you are," sabi ng doktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.