Mga alternatibong ruta sa pagsasara T. Sora flyover inaayos na

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 08:09 PM

Nagsagawa ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsadang magsisilbing alternatibong ruta sa pagsasara ng Tandang Sora flyover sa Quezon City.

Sa Sabado, Marso 2 nakatakdang isara ang flyover dahil gigibain ito para magbigay-daan sa konstruksiyon ng MRT-7 Tandang Sora station. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Bilang paghahanda, giniba ng MMDA ang mga ilegal na estruktura na nakahambalang sa mga bangketa sa Commonwealth Avenue, Luzon Avenue, at Tandang Sora.

Nasa 20 traysikel naman sa mga ilegal na terminal ang in-impound ng MMDA dahil nakaharang ang mga ito sa daan. 

Tinanggal din ang iba pang mga sasakyan at mga karinderya na itinayo sa bangketa. 

Magsasagawa ng clearing operations ang MMDA hanggang sa tuluyang gibain na ang flyover. 

Iniurong ang pagsasara ng Tandang Sora flyover sa Quezon City mula Pebrero 23 sa Marso 2 dahil dahil sa reklamo ng mga residente, commuter, at motorista na hindi raw agad sila naabisuhan ukol dito. 

Nasa 3,000 commuter ang dumadaan sa naturang flyover araw-araw. 

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.