Pastor patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 11:45 PM

Kuha ng Sipalay PNP

Patay ang isang pastor matapos pagbabarilin ng apat na mga armadong lalaki sa Sipalay City, Negros Occidental, Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nagmamaneho ng kaniyang tricycle si Louie Lahao-Lahao, 54, kasama ang kaniyang asawa nang salubungin sila ng mga armadong lalaki sa Sitio Pinus-an sa Barangay Camindagan at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima na kaniyang ikinamatay. Nakaligtas naman ang kaniyang asawa na hindi nasugatan sa pamamaril.

Ilang basyo ng bala ng .45 caliber pistol ang nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.