Lolo patay sa salpukan ng van at dump truck sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 12:28 AM | Updated as of Feb 25 2020 03:15 AM

Larawan mula sa PNP Sinait

Patay ang isang 65 anyos na lalaki sa salpukan ng isang van at dump truck Sabado ng hapon sa Barangay Pug-os, Sinait, Ilocos Sur.

Batay sa imbestigasyon, sumalpok ang iminamanehong L300 van ni Pacifico Castillo sa nakasalubong nitong dump truck sa kurbadang bahagi ng national highway sa Barangay Pug-os.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon si Castillo at nabali ang kanyang kanang binti.

Galing umano sa inuman at pauwi na si Castillo nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman nasugatan ang driver ng dump truck.

Wala pang desisyon ang pamilya Castillo kung sasampahan nila ng reklamo ang driver ng dump truck pero hiling nilang tumulong ito sa gastusin sa pagpapalibing sa kaaanak.-Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.