2 dayuhan, arestado sa estafa sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 12:30 AM

Arestado ang 2 Chinese national sa entrapment operation matapos nilang tangayin ang mahigit P400,000 mula sa biktima nila sa Makati City.

Ayon sa Makati Police, inalok ng mga suspek na sina Yang Xiangyu at Chen Nan Hui ang biktimang si Guozheng Cao na papalitan sa mas mataas na exchange rate ng Chinese yuan ang dala niyang 8,700 US dollars. 

Nagbigay ang mga ito ng resibo at nangakong ipapadala ang pera sa kanyang online account.

Huli na nang malaman ng biktima na peke ang resibo kaya humingi ito ng tulong sa mga pulis at nagkasa ng entrapment operation sa isang coffee shop.

Nasamsam sa mga suspek ang isang envelope na naglalaman ng pekeng pera na ginagamit umano ng dalawa sa panggagantso.

Inihahanda na ang kasong estafa laban sa dalawang dayuhan.-Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.