100 ecstasy tablet nadiskubre sa hotel sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 05:46 AM | Updated as of Feb 25 2020 08:49 AM

Nadiskubre ang 100 ectasy tablets na aabot sa P170,000 Martes ng madaling araw sa isang kwarto sa isang hotel sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Police Lt. Col Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor Police, nagsumbong sa kanila ang staff ng hotel na may naiwang lalagyan ng sabon sa ilalim ng kama sa isang kwarto sa hotel. 

Pinaghahanap na ng pulis kung sino ang huling nag check in sa naturang kwarto.

Arestado naman ang isang lalaki na huli sa aktong nagnakaw Martes ng madaling araw sa isang convenience store sa Pasay. 

Nakita umano ng staff na may kinuha ang suspek at biglang lumabas ng shop nang hindi nagbabayad. Nang sitahin nila, nakita sa suspek ang 8 kilong hotdog na nagkakahalaga ng mahigit P1,000. 

Posibleng kasuhan ang 30 anyos na lalaki ng theft.-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.