Deadline sa pamamahagi ng Pantawid Pasada pinag-iisipang i-extend

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2019 04:44 PM | Updated as of Feb 25 2019 07:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinag-iisipan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-extend ang deadline ng pamamahagi ng Pantawid Pasada Fuel Cards.

"There are a number of reasons that nade-delay. We're looking at a definite deadline para matapos lang iyong 2018. Very likely 'yong Feb. 28 deadline might be extended," sabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Inanunsiyo noong Linggo ng LTFRB na hanggang Huwebes, Pebrero 28 na lang maaaring kuhanin ng mga operator at driver ng mga pampasaherong jeep ang fuel vouchers, na naglalaman ng P5,000.

Ang Pantawid Pasada ang ayuda ng gobyerno para makaagapay ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. 

Target na rin daw ng gobyerno na masimulan sa Abril o Marso ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng Pantawid Pasada na nagkakahalagang P20,000. -- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.