P120,000 na naiwan ng pasahero, ibinalik ng taxi driver

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 12:24 PM

Binibilang ng isang pulis ang bulto-bultong pera na naiwanan sa taxi ni Jose Fresno. ABS-CBN News

ILOILO CITY - Isinauli ng isang tapat na taxi driver ang P120,000 cash na naiwan ng kaniyang pasahero sa lungsod na ito, Sabado. 

Ang naturang pera ay pamasahe sa barko ng mga delegado ng Palawan sa State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA). 

Naiwan ni Sylvary Delight Gastanes ng Palawan State University ang pouch na naglalaman ng pera sa taxi ni Jose Fresno. 

Agad namang dinala ni Fresno sa police station ang pouch nang mapansin ito. 

Aniya, "Di naman talaga sa akin ang pouch, isinauli ko talaga sa police."

Nakikipag-usap sa media ang taxi driver na si Jose Fresno (naka-pulang t-shirt) matapos isuko sa awtoridad ang perang naiwanan ng kaniyang pasahero. ABS-CBN News

Nakabiyahe na pauwi ang mga delegado ng Palawan State University matapos makuha ang pera, salamat sa katapatan ni Fresno. - Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.