Magnanakaw sa kotse, huli sa akto sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 08:11 AM | Updated as of Dec 10 2019 04:25 PM

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhan na nagnanakaw sa loob ng isang kotse sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kwento ng biktima na si Alyas "Michael", kaka-park lang niya sa labas ng kanyang bahay at nagulat daw nya nang magsigawan ang ilang tanod at volunteer sa labas.

Watch more in iWant or TFC.tv

Napasok na pala ng magnanakaw at hinihinalang carnapper ang kanyang ipinaradang sasakyan.

Tumakbo ang magnanakaw na kinilalang si Dondon Quinones, 37 taong gulang, pero hinabol ito ng mga volunteer at binugbog.

Nakuha sa suspek ang mga susi ng iba't-ibang sasakyan.

Ayon sa mga residente, talamak ang nakawan sa kanilang lugar. -- ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.