Alegasyon ni Aguirre ng pananambang sa Makati, itinanggi ng pulisya

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2017 09:01 PM

Walang naitalang ulat ang Makati City Police na insidente ng pananambang sa kanilang nasasakupan sa buong magdamag, ayon sa hepe nito na si Senior Supt. Dionisio Bartolome.

Ito ang naging resulta ng pagbeberipika ng DZMM Teleradyo matapos banggitin ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa programa ni Noli De Castro ang insidente umano.

Ayon kay Aguirre, tinambangan ang isang Lalaine Madrigal Martinez habang sakay ng isang sasakyan sa kahabaan ng Polaris Street, Barangay Poblacion, Makati City Biyernes ng madaling araw.

Si Martinez umano ay dating staff ni dating senadora Jamby Madrigal at asawa ni Noel Martinez na isang "high-value inmate" sa New Bilibid Prison. 

Naaresto si Noel dahil sa kasong kidnapping at iligal na droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.